^

Police Metro

Billy Crawford inaresto sa pagwawala

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dinakip ng mga pulis ang TV host singer na si Billy Joe Crawford makaraang magwala at makabasag ng salamin sa istasyon ng pulisya habang nasa impluwensya ng alak, kahapon ng madaling araw sa Taguig City.

Pinag-aaralan na sampahan ng mga kasong “malicious mischief, direct assault at resisting arrest” ng pulisya ang 32-anyos na si Crawford na ikinulong sa Taguig Police Detention Cell.

Sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang magtungo ang lasing na si Crawford kasama ang isang hindi nakilalang kaibigang babae sa Police Community Precinct 7 sa Bonifacio Global City.

Pagdating doon ay nagsisigaw at sinasabing may pinagdadaanan siyang problema at gusto niyang magpakulong upang hindi makasakit ng ibang tao.

Naabutan ni Crawford ang mga nakaduty na policewomen na sina PO1 Jasmin Sipagan at Rodelma Canao na nagsabi na wala silang “detention cell” sa kanilang PCP at sinabihan ang singer na sa kanilang headquarters magtungo.

Lalo pang nagwala si Crawford hanggang sa sipain at mabasag ang salaming pintuan ng istasyon.

Agad humingi ng res­ponde ang mga babaeng pulis at inaresto at pinosasan si Crawford nina PO2s Anthony Llagas at Francisco Nicolas.

Napag-alaman na bago maganap ang pagwawala ni Crawford ay galing ito sa ginanap na star magic ball sa Shang­rila Hotel sa EDSA na kung saan kasama nito ang kanyang kasintahan na si Coleen Garcia.

Nagbigay naman ng pahayag kahapon ng hapon si Crawford at humingi ng paumanhin sa publiko, mga tagahanga at sa pulisya sa ginawa niyang pagwawala.

Inamin ng actor/singer na may malaki siyang problema kaya nagpakalango sa alak ngunit hindi niya intensyon na manira ng gamit.

Handa naman umano niyang harapin kung anuman ang ikakaso sa kanya ng mga pulis at nais na makausap ng personal ang mga babaeng pulis na inabutan niya upang personal na makahingi ng tawad.

May ulat na nasuntok ni Crawford ang isa sa mga babaeng pulis na itinanggi naman ng kasintahan nito na si Garcia sa Twitter account nito.

vuukle comment

ANTHONY LLAGAS

BILLY JOE CRAWFORD

BONIFACIO GLOBAL CITY

COLEEN GARCIA

CRAWFORD

FRANCISCO NICOLAS

JASMIN SIPAGAN

POLICE COMMUNITY PRECINCT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with