^

Police Metro

Zambales mayor iprinotesta sa Comelec

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasa balag ng ala­nganin ang posisyon ni Mayor Estela Antipolo ng San Antonio, Zambales bunsod ng  isinampang protesta ng isa sa kanyang mga kalaban sa pulitika nang ipag-utos ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsasagawa ng “recount” sa ilang clustered precincts na ginamit noong May 13, 2013 elections.
Sa walong-pahinang resolusyon na sinulat ni Presiding Commissioner Lucenito Tagle at kinatigan nina Commissioners Robert Lim at Al Pareno, pinagbigyan ng First Division ng Comelec ang petition for certiorari na inihain ng natalong kandidato na si Juan Alvez.
Sina Alvez at Antipolo kasama ang dalawang iba pang kandidato ay tumakbo sa pagka-alkalde ng bayan ng San Antonio noong 2013 polls.

Nanalo si Antipolo taglay ang kabuuang 5,178 votes habang pumangatlo naman si Alvez na may 2,975 votes.

Nagsampa ng election protest si Alvez upang magkaroon ng recount sa 26 clustered precincts.
Ibinasura ni Judge Bocar ang reklamo noong May 31, 2013 dahil sa teknikalidad.

Naghain ito ng motion for reconsideration pero dinismis din noong June 18, 2013 kaya’t napilitan itong magpasaklolo sa Comelec.
Subalit, sa desisyon ng poll body, ipinunto na kung pagbibigyan ang kautusan ng mababang hukuman ay mapagkakaitan umano ng katarungan si Alvez.

vuukle comment

AL PARENO

ALVEZ

COMELEC

COMMISSIONERS ROBERT LIM

FIRST DIVISION

JUAN ALVEZ

JUDGE BOCAR

MAYOR ESTELA ANTIPOLO

PRESIDING COMMISSIONER LUCENITO TAGLE

SAN ANTONIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with