^

Police Metro

Striker ng MPD, hinulidap ng 2 pulis

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagsampa ng reklamo sa pulisya ang isang striker ng MPD-District Intelligence Division (DID) laban sa dalawang pulis na nakatalaga sa Manila Police District-Station 5  na umano ay nanghulidap sa kanya kahapon ng madaling-araw sa Ermita, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Alex Llamas, 44 na nagsampa ng reklamo laban kina PO2 Ranilo Vital at PO1 Joel Morales.

Sa salaysay ng biktima, naglalakad siya dakong ala-1:00 ng madaling araw sa kanto ng Adriatico at Salas Sts., Ermita, Maynila nang sitahin ng dalawang pulis.

Nagpakilala at nagpakita ng ID ang biktima na striker siya ng MPD-DID at galing umano siya sa isang birthday pero sinabihan siya ng dalawang pulis na “walang striker” sa kanila.

Kinapkapan siya at nakita sa kanyang bulsa ang halagang P3,000 cash at kinuha ito ng isang pulis at ipinasa sa kasama.

Sinabi umano ng dalawang pulis na pakakawalan ang biktima, subalit sa kanila na ang P3,000.

Nagsagawa ng follow-up operation ang MPD-GAIS, subalit hindi na naabutan ang dalawang pulis. 

vuukle comment

ADRIATICO

ALEX LLAMAS

DISTRICT INTELLIGENCE DIVISION

ERMITA

JOEL MORALES

KINAPKAPAN

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MAYNILA

RANILO VITAL

SALAS STS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with