^

Police Metro

Totoy nilamon ng lupa

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 4-anyos na batang lalaki ang nasawi habang ang tatlong miyembro ng kanyang pamilya ang nasugatan sa naganap na landslide sa Brgy. Balensong, North Upi, Maguindanao.

Nababalutan ng putik nang marekober ang buong katawan ng biktima na kinilalang si Ranin Tuniakao.

Ang  magulang na sina Wilfredo Tuniakao, Nerissa at ang kakambal ni Ranin na batang babae ay sugatang nailigtas.

Sa naantalang ulat ng Office of Civil Defense Central Mindanao, naganap ang insidente noong Miyerkules bandang alas-8:00 ng gabi matapos na kumain ng hapunan ang mga biktima.

Sa gitna ng malalakas na pagbuhos ng ulan ay big­laang gumuho ang bundok na tumabon sa bahay ng pamilya Tuniakao na nasa ibabang bahagi nito.

Pinaniniwalaan namang lumambot ang lupa sanhi ng ilang araw na mga pag-ulan sa lugar na siyang nagbunsod sa landslide.

BALENSONG

BRGY

ISANG

MAGUINDANAO

MIYERKULES

NORTH UPI

OFFICE OF CIVIL DEFENSE CENTRAL MINDANAO

RANIN TUNIAKAO

WILFREDO TUNIAKAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with