^

Police Metro

Dalagita dinukot ng nakakotseng foreigner

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang malaking ba­ngungot ang nangyari sa isang 17-anyos na dalagita matapos siyang dukutin ng nakakotseng banyaga habang nag-aabang ng masasakyan kamakailan sa Mandaluyong City.

Nagsampa na kahapon ng reklamo sa Mandaluyong City Police ang biktima na  itinago ang pangalan.

Batay sa ulat ni P/Supt. Cresencio Landicho, deputy chief for Operations na base sa closed circuit television footages na hawak nila, nakita ang isang dalagita na nakahubad at tumalon mula sa isang hindi naplakahang kotse sa kahabaan ng Sta. Clara St., at Sgt. Bumatay St., Mandaluyong City.

Sa inisyal na pahayag ng biktima, habang siya ay nag-aabang ng masasakyan sa Martinez St. nang biglang huminto sa kanyang harapan ang isang Toyota Camry at nang bumukas ang pintuan ay isang foreigner umano ang nagtanong sa biktima ng direksyon at ilang saglit ay hinila siya papasok ng kotse.

Sa kabila naman ng pagpapalag ng dalagita ay agad umanong ikinandado ng suspek ang pintuan ng sasakyan, saka hinubaran ang dalagita at ginagawan ng kahalayan.

Nakakuha ng pagkakataon ang dalagita na mabuksan ang pinto ng sasakyan at tumalon upang makatakas.

vuukle comment

BATAY

BUMATAY ST.

CLARA ST.

CRESENCIO LANDICHO

ISANG

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY POLICE

MARTINEZ ST.

TOYOTA CAMRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with