^

Police Metro

Radio broadcaster binaril

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malubhang nasugatan ang isang  radio broadcaster ng DWIZ  matapos barilin ng isang lalaki habang pauwi na sa bahay nito sa Dagupan City, Pangasinan kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Sr. Supt. Christopher Abrahano, hepe ng Dagupan City Police ang biktima na si Orly Navarro, 55-anyos nagtamo ng isang tama ng bala sa likurang bahagi ng katawan na agad dinala sa pagamutan.

Si Navarro ay broadcaster  ng DWIZ na nakabase sa Dagupan City na pag-aari ng Aliw Broadcasting Corporation.

Batay sa ulat, bandang ala-1:00  ng madaling araw ay naglalakad ang biktima sa Crossing ng Kalye 29 at Nable St. Brgy. Pantal West sa nasabing lungsod pauwi sa kanilang bahay ng makita  nito sa daan ang kaniyang kumpare.

Nakipag-usap muna ang biktima nang sumulpot ang suspek at binaril ito habang nakatalikod at mabilis tumakas patungo sa direksyon ng Kalye 29.

Sinisilip ang motibo ng pamamaril sa biktima ay ang walang puknat umano nitong pagbanat sa ope­rasyon ng illegal na droga sa kanilang lugar.

vuukle comment

ALIW BROADCASTING CORPORATION

CHRISTOPHER ABRAHANO

DAGUPAN CITY

DAGUPAN CITY POLICE

KALYE

NABLE ST. BRGY

ORLY NAVARRO

PANTAL WEST

SI NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with