^

Police Metro

VP Binay pinahaharap sa Senado

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Humarap sa imbestigasyon ng Senado kaugnay ng umano’y overpriced na P2.7 bilyon sa ipinagawang gusali sa Makati City.

Ito ang naging hamon ni Caloocan Rep. Edgar Erice kay Vice President Jejomar Binay upang sa gayon ay sagutin ang alegasyon ng talamak na katiwalian sa halip na gamitin ang kanyang mga anak at mga ka-alyado sa pagdepensa sa  isyu.                         
Binigyang-diin ng kinatawan ng Caloocan, walang sinumang government administrator o private sector executive ang gagastos ng P2.7-B para sa 11 palapag na parking at office building.

Sinabi rin ni Erice, binigyan pa nga nina Senators Alan Peter Cayetano at Antonio Trillanes si VP Binay ng venue para sagutin ang alegasyon ng katiwalian.             
Anya, kung sino ang may gustong tumakbong presidente sa 2016 ay dapat na pumasa muna sa integrity at honesty test dahil responsibilidad ito ng susunod na Pangulo sa sambayanan. 

ANTONIO TRILLANES

ANYA

BINAY

BINIGYANG

CALOOCAN REP

EDGAR ERICE

MAKATI CITY

SENATORS ALAN PETER CAYETANO

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with