^

Police Metro

ISIS nagre-recruit sa Davao City

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinumpirma ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na ang jihadist group na  Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ay nagsasagawa ng pagre-recruit sa mga kabataang Davaoenos na kung saan ang karamihang na-recruit ay umalis na ng bansa noong nakalipas na buwan.

Ayon sa pahayag ni Duterte sa kanyang lingguhang programa na “Gikan sa Masa Para sa Masa” na siya ay nagmamalasakit at hindi kinokondena at nalulungkot sa mga kabataang na-recruit sa pag-aakalang sila ay mapapabuti.

Una nang inihayag kamakailan ni dating Pa­ngulo Fidel V. Ramos na nasa 100 Filipino ang naiulat na nagsasanay sa mga jihadists na kamakailan lang ay nagsagawa ng pagpatay sa  Iraq at  Syria.

Pinabulaanan naman ng Armed Forces of the Philippines ang pahayag ni Ramos at wala umano na na-monitor ng anumang senyales ng pagre-recruit ng jihadist group.

Naalarma rin si Duterte sa natanggap din ulat na ang Bangsamoro Islamic Freedom Figh­ters, ay nangako na tutulong sa ISIS.

Ayon naman kay AFP- Eastmincom Spokesman Captain Alberto Caber, ipinag-utos na ni AFP –Eastmincom Commander Lt. Gen. Ricardo Rainier Cruz ang masusing pagsasagawa ng intelligence monitoring at beripikasyon sa nasabing recruitment.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGH

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

EASTMINCOM COMMANDER LT

EASTMINCOM SPOKESMAN CAPTAIN ALBERTO CABER

FIDEL V

ISLAMIC STATE OF IRAQ AND SYRIA

MASA PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with