^

Police Metro

Mag-asawa nagsabwatan sa pagpatay

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinatay sa saksak ng isang mister kasabwat ang kanyang misis ang isang lalaki na umano ay kalaguyo ng huli sa loob ng inuupahan nitong kuwarto kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Ang biktima ay kinilalang si Rosie Rada, 29, karpintero at residente ng Loyola Heights Subdivision sa lungsod.

Pinaghahanap ng pulisya ang mag-asawang suspek na sina Noel at Neri Reyes na naninirahan sa may no. 95-A, C. Salvador St., Park 7, Brgy. Loyola Heights na kung saan ang isang kuwarto ay inuupahan ng biktima.

Bago natagpuang patay ang biktima dakong alas-4:30 ng madaling-araw ay nagising ang isang kapitbahay sa ma­lakas na pag-ungol mula sa kuwarto ng mag-asawang Reyes.

Kaya’t nagpasya itong sumilip sa butas ng dingding at nakita niya si Noel na nakatayo hanggang sa lumabas si Neri na may dalang bag at magkasabay na lumabas ng  kanilang kuwarto.

Patuloy ang pag-ungol ng biktima kung kaya’t nagpasya ang ka­pitbahay na tawagin ang kapatid para silipin kung kanino nagmumula ang naturang ungol.
Nakita ng testigo ang biktima na nakahiga sa kama at duguan kaya’t tumawag sila ng barangay at nang buksan ang pinto ay tumambad ang biktima na wala ng buhay dahil sa mga tama ng saksak sa katawan.

Sa pagsisiyasat ng pulisya ay napag-alamang nagkaroon ng relasyon ang biktima at si Gng. Reyes habang ang mister nito ay nagtatrabaho sa Baguio City.

Malaki ang hinala ng pulisya na natuklasan na ng mister ang relasyon ng biktima sa misis at para makaganti ay kina­sabwat ng lalaki ang misis na patayin ito.

vuukle comment

BAGUIO CITY

BIKTIMA

LOYOLA HEIGHTS

LOYOLA HEIGHTS SUBDIVISION

NERI REYES

QUEZON CITY

REYES

ROSIE RADA

SALVADOR ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with