^

Police Metro

Karnaper dedbol sa pulis QC

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Utas ang umano’y isang karnaper makaraang makipagbarilan sa mga rumispondeng otoridad, ilang minuto matapos holdapin at tangayin ang motorsiklo ng isang ahente ng sky cable sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling araw.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, walang nakuhang pagkakakilanlan sa nasawing suspek na inilarawan sa pagitan ng edad na 30-35, may taas na 5’6, nakasuot ng itim na jacket at green na short pants, may tattoo sa dibdib ng “VHERMON”, “MATEK”, ‘TANGKAD”, “NOGNOG”, “CEZAR” at mga mukha ng tao sa kanyang likuran, habang pinaghahanap pa ang nakatakas nitong kasamahan.

Biniktima ng mga suspek si Manolito Lausa, ng Brgy. Sta Lucia  na inagawan ng motorsiklo at tinangayan pa ng pera.

Nabatid na nagsasagawa ng anti-robbery campaign ang tropa ng District Special Operation Unit ng QCPD ng maispatan ng mga ito ang dalawang suspek sakay ng tag-isang motorsiklo dakong alas 2:45 ng madaling-araw sa Mindanao Avenue, Northbound. Ngunit ng lalapitan na ang isa sa mga ito dahil sa kawalan ng plaka ng motor ay bigla na lang nakipagbarilan ang isang suspek  na sakay ng motorsiklong may plakang 6944-HZ  habang ang isang suspek na sakay ng walang plakang motorsiklo ay mabilis na tumakbo papalayo.

Matapos ang eng­kwentro, napag-alaman ng otoridad na ala 1:45 ng madaling araw ay hinoldap ng mga suspek si Lausa sa kahabaan ng Chesnut St, Brgy. North Fairview, papauwi  ng kanyang bahay, galing trabaho.

Sabi ni Lausa, hinarang umano siya ng mga suspek sakay ng isang motorsiklo na walang plaka saka tinutukan ng baril bago kinuha ng kanyang pera at  motorsiklo.

Personal ding kinilala ni Lausa ang nasawing suspek na siyang tumangay ng kanyang sasakyan na narekober sa lugar kasama ang isang kalibre .38 baril, apat na basyo ng kalibre 9mm, at dalawang tingga nito.

Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

BRGY

CHESNUT ST

DISTRICT SPECIAL OPERATION UNIT

ISANG

LAUSA

MANOLITO LAUSA

MINDANAO AVENUE

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with