^

Police Metro

Kahera utas sa P.1-M holdap

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 23-anyos na dalagang kahera nang ito ay saksakin matapos pumalag sa isang holdaper na pumasok sa kanilang opisina kamakalawa sa Brgy. Disud, Sindangan, Zamboanga del Norte.

Ang nasawi ay kinilalang si Aiken Adalia, residente ng Da­pitan City at kahera sa Gold Digger Credit and Collection Services sa nasabing lugar.

Batay sa ulat, dakong alas-10:50 ng gabi nang pasukin ng nag-iisang suspek ang opisina at agad tinutukan ng patalim ang biktima at sabay deklara ng holdap.

Subalit, nanlaban ang biktima at ayaw ibigay ang P100,000.00 kita ng opisina kung kaya’t sinaksak ito.

Matapos na matangay ang nasabing  halaga ng salapi ay tumakas ang suspek na may takip ng damit ang mukha at sumakay ng motorsiklo bilang getaway vehicle patungo  sa direksyon sa kahabaan ng national highway sa bayan ng Sindangan.

vuukle comment

AIKEN ADALIA

BATAY

BRGY

DISUD

GOLD DIGGER CREDIT AND COLLECTION SERVICES

MATAPOS

NASAWI

NORTE

SINDANGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with