^

Police Metro

Jeep vs motor: 1 patay

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang driver ng isang motorsiklo habang ang angkas nito ay nasugatan matapos na sila ay sumalpok sa isang pampasaherong jeepney sa kahabaan ng Payatas Road, Quezon City kahapon.

Hindi pa kilala ang rider at ang angkas nitong babae dahil sa walang nakuhang anumang identification card mula sa mga ito at wala rin plaka ang kanilang motorsiklo.

Sa ulat, bago nangyari dakong alas-9:45 ng umaga ang salpukan sa Payatas Road, Group 5 ay galing ang PUJ sa Montalban, Rizal na minamaneho ni Agapito Longbohen, 60, may-asawa at tinatahak ang lugar.

Pagsapit sa lugar ay nakasalpukan nito ang Kawasaki motorcycle ng mga biktima na nasa kabilang direksyon sanhi upang magtamo ng ma­tinding injuries ang mga huli.

Itinakbo ang mga biktima sa malapit na ospital, pero idineklarang dead-on-arrival ang nasabing rider.

Kasong reckless imprudence resulting in homicide and physical injuries with damage to properties ang isinampa kay Longbohen.

vuukle comment

AGAPITO LONGBOHEN

ITINAKBO

KASONG

KAWASAKI

LONGBOHEN

MONTALBAN

NASAWI

PAYATAS ROAD

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with