^

Police Metro

2 NPA rebels utas sa bakbakan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedo ang dalawang miyembro ng New People’s Army  nang makasagupa ang tropa ng militar sa Brgy. Binicalan, San Luis, Agusan del Sur nitong Biyernes ng tanghali.

Ayon kay Major Gen. Ricardo Visaya, Commander ng Army’s  4th Infantry Division (ID), bandang alas-11 ng tanghali ng makasagupa ng mga elemento ng Army’s 26th Infantry Battalion (IB) ang nasa 20 rebeldeng NPA sa lugar habang nagsasagawa ng security patrol operation ang mga ito.

Sa nasabing pagpapanagpo ay agad nagbakbakan ang mga ito sa pagitan ng magkabilang panig at sa gitna ng bakbakan ay  napatay ang dalawang rebelde habang mabilis naman na nagsitakas ang iba pa.

Kasalukuyan namang inaalam ang pagkaka­kilanlan sa mga napaslang na rebelde na pawang mula sa Guerilla Front Committee 88 na aktibong nagsasagawa ng operasyon sa ilang bahagi ng CARAGA Region.

Wala namang nasugatan sa panig ng tropa ng pamahalaan  at nakarekober din ng  walong matataas na kalibre ng armas na naiwan ng mga nagsitakas na rebelde sa encounter site.

vuukle comment

AGUSAN

AYON

GUERILLA FRONT COMMITTEE

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

MAJOR GEN

NEW PEOPLE

RICARDO VISAYA

SAN LUIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with