^

Police Metro

MRT train, sumalpok sa barrier sa Taft Ave. station

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa 30 pasahero ng Metro Rail Transit (MRT)  ang nasugatan matapos na sumalpok at lumampas sa barrier ang tren sa southbound ng Taft Avenue station kahapon ng alas-3:00 ng hapon.

Ayon kay Pasay Police Chief Florencio Ortilla na dumiretso hanggang sa may intersection ang tren at pinatumba ang ilang poste ng kuryente, bukod pa sa ilang nasa­ging sasakyan. 

Halos kalahati pa ng pangalawang bagon ang lumusot sa concrete barrier.

Sa inisyal na im­bestigasyon, nagkaroon umano ng problema ang brakes ng tren.

Ayon sa mga saksi na lumampas sa barrier ang unang bagon na pawang mga babae at matatanda ang sakay.

Ang mga pasaherong nasugatan ay isinugod sa San Juan De Dios Hospital Pasay City General Hospital.

Ayon sa isang pasahero na doon pa lamang sa Magallanes station ay mayroon nang aberya ang tren kaya’t kahit ginusto na umano ng ilan na bumaba ay hindi pinayagan hanggang sa tuluyang maaksidente sa may Taft.

Nagdulot na rin ng matinding pagsisikip sa trapiko ang aksidente.

AYON

BARRIER

MAGALLANES

METRO RAIL TRANSIT

NAGDULOT

PASAY POLICE CHIEF FLORENCIO ORTILLA

SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

TAFT AVENUE

TREN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with