^

Police Metro

Ex-cop itinumba ng riding-in-tandem

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng riding-in-tandem criminals ang isang dating pulis-Malabon habang ito ay nagti-text kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Nasawi noon din ang biktima na kinilalang si PO3 Johnny  Canseco, dating nakatalaga sa Malabon Police  at residente ng 10th Ave., Langaray, Caloocan City dahil sa anim na tama ng bala sa katawan.

Wala pang pagkaka­kilanlan sa mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo na tumakas matapos ang pamamaril.

Batay sa ulat, dakong alas-12:45 ng madaling-araw sa panulukan ng Quiricada at Jose Abad Santos Sts., Tondo, May­nila ay nagti-text ang biktima nang lapitan ng suspek at walang kaabog-abog na pinagbabaril.

Nang matiyak na patay na ang biktima ay sumibad papalayo ang mga suspek sakay ng kanilang motor.

Ang biktima ay natanggal sa serbisyo may tatlong taon na ang nakakalipas dahil sa kasong absent without leave (AWOL).

vuukle comment

BATAY

CALOOCAN CITY

CANSECO

JOSE ABAD SANTOS STS

MALABON

MALABON POLICE

MAYNILA

NANG

NASAWI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with