^

Police Metro

Jailguard naghuramentado, dedo sa mga pulis

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang nasawi matapos mabaril ng mga rumespondeng pulis nang magwala at magpaputok ng baril ng una kamakalawa sa Caloocan City.

Kinilala ang nasawing si Alfred Tan, 32-anyos, nakatalaga sa Malabon City Jail at residente ng Ruby Street, Brgy. Talipapa, ng lungsod.

Isasailalim sa im­bes­tigasyon ang mga rumes­pondeng pulis na  nakabaril at nakapatay sa biktima.

Sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi nang makatanggap ng sumbong ang Caloocan Police ukol sa isang nagwawalang lalaki na nagpaputok ng baril sa kanilang lugar sa Brgy.  Talipapa.

Nang rumesponde ang mga pulis sa lugar ay agad umano silang sinalubong ng putok ng baril ng biktima.

Gumanti ng putok ang mga pulis kung saan tinamaan si Tan.

Nasamsam sa lugar ng insidente ang 19 basyo ng M-16 armalite, 2 basyo ng kalibre .45,  at rifle na Squire Bingham na kargado ng 1 bala. 

vuukle comment

ALFRED TAN

BRGY

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN POLICE

MALABON CITY JAIL

RUBY STREET

SQUIRE BINGHAM

TALIPAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with