Riding-in-tandem ipagbabawal sa QC
MANILA, Philippines - Dahil sa lumalalang kriminalidad sa Quezon City na kagagawan ng mga riding-in-tandem criminals isang panukalang batas ang inihain sa konseho na nagbabawal sa riding-in-tandem o ang magkaangkas sa motorsiklo.
Ayon kay Quezon City 2nd. District Councilor Ramon “Toto” Medalla na mahirap masolusyunan ang problema sa riding-in-tandem criminals dahil mabilis itong nakakatakas kung kaya’t sa kanyang panukala ay ipagbawal na ito.
Posible anya na maaaring mabawasan kundi man tuluyang masolosyunan ang matagal nang problema ng krimen na kagagawan ng riding-in-tandem criminals.
Una nang napagtibay ang isang ordinansa sa paggamit ng vest na may nakasulat na plaka ng motorsiklo ng mga riders.
- Latest