^

Police Metro

Ex-Olongapo mayor tinawag na harrassment ang kasong graft

Randy V. Datu - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naging maaga ang batuhan ng putik ng dalawang pulitiko sa Olongapo City matapos ihayag ni dating City Mayor James “Bong” Gordon na isang paninira at pawang harassment lamang ang mga umano’y isyung  ibinabato sa kanya ng kasaluku­yang Mayor Rolen Paulino nang magpalabas umano ng ulat ang kampo na sinampahan nila ang una ng mga kaso sa Office of the Ombudsman.

Ayon kay Gordon, nagpapakalat lamang ng maling impormasyon si Paulino upang sirain ang kanyang reputasyon at ito marahil ay bahagi ng maagang pamumulitika.

Sa isyu ng mga ghost delivery ng mga pinamiling gamit ng city government, ipinahayag ni Gordon na ang lahat ng dumaan sa kanyang opisina ay na-endorso ng iba’t ibang departamento at tungkol sa pagbebenta umano ng mga pag-aaring lupa ng lokal na pamahalaan sa OEDC, ay wala umanong ilegal sa mga transaksyong ito dahil ang lahat ng ito ay dokumentado at may resibo ang treasury office ng city hall.

Nakahanda si Gordon na ilabas lahat ng kanyang ebidensya upang patuna­yang walang basehan ang lahat ng mga bintang laban sa kanya.

 

vuukle comment

AYON

CITY MAYOR JAMES

GORDON

MAYOR ROLEN PAULINO

NAKAHANDA

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

OLONGAPO CITY

PAULINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with