^

Police Metro

Misis binuntis ng lover, ipinahuli ng mister

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos ang tatlong buwang pagtatago ay tuluyan nang nadakip kamakalawa ang isang misis na inireklamo ng kanyang mister matapos na mabuntis ito ng kanyang kalaguyo sa Navotas City.

Kasong adultery ang isinampa kay Teresa San Pedro, 39-anyos, at sa  itinuturong kalaguyong si Dennis Forsuelo, 42-an­yos, kapwa nanunuluyan sa Los Martirez Street, Brgy. San Jose ng natu­rang lungsod matapos na ireklamo sila ng mister ng una na si Rolando San Pedro, 40-anyos, ng Subic, Zambales.

Sa salaysay ng biktima sa Navotas Police, lumayas sa kanilang bahay ang misis niyang si Teresa noong Mayo 4, 2014 sa hindi niya mabatid na dahilan. 

Matagal umano niyang hinanap ang misis hanggang sa mabalitaan na nakita ito sa Navotas at may iba nang kinakasama.

Hinanap naman ng biktima ang lugar at nang matunton ay humingi ng tulong sa pulisya upang dakpin ang dalawa. 

Lumalabas sa imbestigasyon na tatlong buwan ng buntis ang ginang na siyang dahilan kaya ito lumayas sa bahay ng asawa.

vuukle comment

BRGY

DENNIS FORSUELO

HINANAP

LOS MARTIREZ STREET

NAVOTAS CITY

NAVOTAS POLICE

ROLANDO SAN PEDRO

SAN JOSE

TERESA SAN PEDRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with