^

Police Metro

Mag-utol dinedbol sa sugal

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kapwa idineklarang dead on arrival sa Las Piñas City District Ge­neral Hospital ang isang magkapatid nang sila ay saksakin ng hindi pa kila­lang lalaki na nakatalo ng isa sa magkapatid sa sugal na cara y cruz kamakalawa ng gabi sa nasabing lungsod.

Ang magkapatid na nasawi dahil sa limang saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay ki­nilalang sina Vincent, 28 at Brando Salido, 21, kapwa residente ng #169 Diamond St., Phase-5 BF Martinville, Barangay Manuyo Dos ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ng pulisya, bago naganap ang  insidente sa kanto ng 6th  at Diamond Sts., Phase 5, BF Martiville, Barangay Manuyo  Dos ng nabanggit na lungsod ay kalaro ni Brando ang suspek sa cara y cruz.

Ilang sandali ay  hindi umano nagkasundo ang dalawa sa kanilang pagtaya dahilan para sila ay magtalo.

Pinagsusuntok ng suspek si Brando at ng hindi nakuntento ay pinagsasaksak pa ito at pagkatapos ay tumakas.

Habang tumatakas ay namataan nito ang kapatid ni Brando na si Vincent at ito rin ay kanyang sinaksak.

Ang magkapatid ay dinala ng kanilang kaanak sa nasabing ospital, subalit namatay din ang mga ito.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang sumaksak sa magkapatid.

vuukle comment

BARANGAY MANUYO

BARANGAY MANUYO DOS

BRANDO

BRANDO SALIDO

CITY DISTRICT GE

DIAMOND ST.

DIAMOND STS

LAS PI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with