Sen. Escudero: Pag-ubos sa JDF linawin ng SC
MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Senator Francis “Chiz” Escudero na dapat ipaliwanag ng Supreme Court sa publiko kung papaano nito ginastos ang Judiciary Development Fund (JDF).
Iniimbestigahan ng House of Representatives ang JDF na posibleng ituring umanong resbak matapos ang pagpapalabas ng hindi paborableng desisyon tungkol sa kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) at Priority Development Assistance Fund (PDAF).
Tumanggi naman si Escudero na magbigay ng komento sa balak ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas na maghain ng impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno dahil sa kuwestiyunableng paggamit ng JDF.
Nauna rito inisnab ni Sereno ang imbitasyon ng Kamara na nais humingi ng paliwanag tungkol sa JDF.
- Latest




















