Ret. army tigok sa inuman
MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang retiradong sundalo ng hindi pa nakikilalang suspek habang ito ay nakikipag-inuman kamakalawa ng gabi sa Makati City.
Ang biktimang si Teoderico Estacio, 47, may asawa, taga Mt. Apo St., Purok 2, Barangay South Side ng naturang lungsod, dati itong miyembro ng Philippine Army ay dead-on-the-spot dahil sa ilang tama ng bala sa katawan mula sa hindi pa batid na kalibre ng baril habang inaalam naman ang pagkakakilanlan ng suspek.
Sa iniyal na report ng pulisya, naganap ang insidente alas-8:30 ng gabi sa naturang lugar habang ang biktima ay nakikipag-inuman sa ilang kaibigan nang sumulpot ang suspek.
Mabilis na tumakas ang suspect matapos ang pamamaril. Hanggang sa ngayon ay nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente at inaalam pa rin ang motibo nang pamamaril.
- Latest


















