^

Police Metro

Masibang driver, binoga

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa umano’y madalas na pagbubungkal ng kaldero sa kusina, binaril ng tatlong beses ang isang 30-anyos na tricycle driver habang natutulog sa bahay ng  Barangay Chairman sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasa­wing si Gener Castro Hermosa, driver ng tricycle na pag-aari ni Chairman Arnel Dungo ng Nicolas St., Brgy. 255, Zone 23, Tondo.

Arestado naman ang suspek na si Eduardo Barco Damayo, 40, residente ng Olivarez Compound, Parañaque City at pinsan ni Chairman Dungo na nanguna sa pagtugis sa una.

Sa ulat ni SPO3 Rommel Del Rosario ng MPD-Homicide Section, alas 10:45 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa loob ng bahay ni Chairman Dungo, sa No. 1342 Nicolas St.

Nabatid na nagbabakasyon lamang sa bahay ni Chairman Dungo ang suspek at napapansin umano nito na mistulang naaasar at nagsese­los  ang kaniyang pinsan sa biktima dahil madalas nitong napupuna ang asta ng biktima na diretsong pasok sa kusina sa tuwing dumarating at magbubungkal ng pagkain.

 Ayon kay Dungo, wala siyang alam na dahilan upang gawin ng pinsan niya sa biktima ang pagpatay. Nang  mabaril ang biktima ay nagtatakbo na ang suspek  kaya hinabol ito na nasakote naman kaagad.

 

BARANGAY CHAIRMAN

CHAIRMAN ARNEL DUNGO

CHAIRMAN DUNGO

EDUARDO BARCO DAMAYO

GENER CASTRO HERMOSA

HOMICIDE SECTION

NICOLAS ST.

OLIVAREZ COMPOUND

ROMMEL DEL ROSARIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with