^

Police Metro

Pera sa ATM napasok ng ‘magnanakaw’?

Pang-masa

MANILA, Philippines - Mistulang napasok ng magnanakaw ang automated teller machine (ATM) matapos na mawalan ng libo-libong pera ang kanilang mga kliyente.

Sa reklamo ng isang “alias Robert” na nasimot ang kanyang pera na nagkakahalaga ng P80,000.00, gayung hindi naman siya nag-withdraw.

Isa ring alyas Myrna ang nagreklamo na nawala ang P100,000 sa kanyang bank account nang ito ay itsek niya sa ATM noong Sabado.

Ayon dito ay anim din ang lumabas na withdra­wal niya mula sa Quezon City at Subic, Zambales kahit hindi siya napadpad sa mga nasabing lugar.

Matapos umanong i-post sa social media ang sinapit ni alias Robert, marami umanong lumutang na nabiktima rin sila ng naturang modus operandi.

Kaugnay nito ay ipapatawag ni Batangas Rep. Sonny Collantes, chairman ng House Committee on Banks and Intermediaries sa susunod na linggo ang mga kinatawan ng ibat-ibang bangko at Bangko Sentral ng Pilipinas para magbigay linaw sa natu­rang isyu.

Aalamin umano nila kung mayroong kasabwat sa mga bangko at kung may ginagawang hakbang ang mga ito upang masolusyunan ang nasabing problema.

Hindi anya, sapat na ibalik ng mga bangko ang nawawalang pera sa ATM ng kanilang mga kliyente dahil baka akalain ng mga masasamang loob na gumagawa nito ay ayos lang ang kanilang ginagawa.

Mahalaga rin umanong imbestigahan ang nasabing mga insidente sa posibleng mawalan ng tiwala sa pagbabangko sa pamamagitan ng paggamit ng ATM ang publiko. Lordeth Bonilla, Gemma Garcia

BANGKO SENTRAL

BANKS AND INTERMEDIARIES

BATANGAS REP

GEMMA GARCIA

HOUSE COMMITTEE

LORDETH BONILLA

QUEZON CITY

SONNY COLLANTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with