^

Police Metro

Ginang nagutay sa tractor head

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagmistulang giniling ang katawan ng isang 25-anyos na ginang matapos magutay nang masagasaan ng tractor head na may hinahatak na trailer truck habang tumatawid na naganap kahapon ng umaga sa Capulong Highway, kanto ng Road 10 Vitas,  Tondo, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Honey Desuyo, may-asawa, may dalawang anak at residente ng Happy Land, Vitas, Tondo.

Nasa kostudya na ng Manila Traffic Enforcement Unit ang driver ng tractor head na si Philip Juanchon, 34, ng Mabini St., Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Batay sa ulat, dakong alas-10:45 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente sa northbound lane  ng nasabing highway.

Papauwi na ang biktima ng tumawid sa nasabing kalye at nahagip ng rumaragasang tractor head na patungo sa loob ng Phillipine Port Authority (PPA). Kinasuhan ang driver ng reckless imprudence resulting to homicide.

Samantala, nasawi rin ang isang 38-anyos na ginang na si Marissa Estrebillo ng Blk. 28, Lot-39, Viva Homes Subd., Brgy. Salawag, Dasmariñas City nang salpukin ng rumaragasang Nissan Urban Van na may plakang CTM-795 habang tumatawid sa kahabaan ng Molino-Paliparan road, Brgy Salawag, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng alas-10:50 ng gabi.

Sa halip na huminto para tulungan ang biktima ay pinaharurot pa ng driver ang van na si Domingo Lukban, 63, 63, residente ng Blk. 18 Lot 8, Ezekiel St.,Town and Country Subd. Brgy Burol 1, Dasmariñas City Cavite na agad namang nai-report ng mga nakakita kaya hinabol ng mga pulis na nagpapatrul­ya sa nasabing lugar at nadakip.-dagdag ulat ni Cristina Timbang-

 

vuukle comment

BRGY

BRGY BUROL

BRGY SALAWAG

CAPULONG HIGHWAY

CITY CAVITE

CRISTINA TIMBANG

DASMARI

DOMINGO LUKBAN

EZEKIEL ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with