^

Police Metro

2 gunmen sa Batangas ambush, nadakip

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nadakip sa isang follow-up operations  ang dalawang gunmen na umambus at nakapatay sa tatlong mag-anak habang malubhang nasugatan ang isa pa kamakalawa sa Tanauan City, Batangas.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Anthony Pa­nganiban at mastermind na si Basilio Panganiban, da­ting Brgy. Captain ng Brgy. Kay-Anlog, Calamba City.

Batay sa ulat, dakong ala-1:15 ng hapon ay kasalukuyang papauwi ang mga biktima sakay ng jeepney (DWL 597) galing sa pakikipagluksa sa isa ng mga itong namatay na kamag-anak sa Calamba City nang tambangan ng mga armadong suspek pagsapit sa Brgy. Laurel ng nasabing lungsod.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Juan Visaya, 47; Sofia Visaya at  Pedro Roga. Habang isinasalba ang buhay ni Valeria Visaya.

Ayon sa ilang nakasaksi sa pangyayari, unang pinaputukan ng mga suspek ang driver at isinunod ang mga pasahero ng mga ito kung saan umakyat pa ang mga ito sa jeepney.

Bago tuluyang nagsitakas ay tinangay pa ng mga suspek ang mga personal na kagamitan ng mga biktima, pera at mga alahas.

vuukle comment

ANTHONY PA

BASILIO PANGANIBAN

BRGY

CALAMBA CITY

JUAN VISAYA

PEDRO ROGA

SOFIA VISAYA

TANAUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with