^

Police Metro

Buntis, 2 pa tupok sa sunog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi sa sunog ang tatlong katao kabilang ang isang buntis na ginang at anak nitong lalaki nang makulong sa nasusunog nilang bahay kamakalawa sa Brgy. Coronan, Sta. Cruz, Davao del Sur.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Noriza Hilay, 8 buwang buntis, anak nitong si Paolo, 2-anyos at pamangking si Hinata, 3-anyos.

Sa ulat, dakong alas-12:00 ng tanghali ay kasalukuyang mahimbing na natutulog sa ikalawang palapag ng kanilang bahay ang ginang kasama ang anak at pamangking paslit ng magsimula ang sunog.

Tinangka umano nitong gisingin ng kasama­bahay ang ginang, subalit masyado ng makapal ang usok at malaki ang apoy.

Narinig ng mga kapitbahay ang pag-iiyakan ng mga biktima sa  paghingi ng saklolo.

Iniimbestigahan kung  electrical short circuit sa sanhi ng sunog.

BRGY

CORONAN

CRUZ

DAVAO

HINATA

INIIMBESTIGAHAN

NARINIG

NASAWI

NORIZA HILAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with