^

Police Metro

Dinukot na contractor, pinalaya

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos ang halos na dalawang buwan sa kamay ng mga kidnaper na Abu Sayyaf ay pinalaya na ang biktimang si Remegio Lingayan, nakabase sa Zamboanga City.

Batay sa ulat, bandang alas-12:20 ng tanghali ng pakawalan ng mga kidnappers ang bihag sa Brgy. Bunot, Indanan, Sulu.

Nasabat naman ng tropa ng Philippine Marines  si Lingayan habang pagod na pagod na naglalakad sa nasabing lugar na agad dinala sa Sulu Provincial Hospital para sumailalim sa medical checkup.

Magugunita na si Lingayan at ang bayaw nitong si Joselito Gonzales ay dinukot ng mga bandidong Abu Sayyaf noong Hunyo 5 may Sitio Baunoh sa hangganan ng Brgy. Timba­ngan at Brgy. Kan islam, Indanan, Sulu.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ang napaulat na pagbabayad umano ng P500,000 board and lodging sa mga kidna­pers ng pa­milya ng biktima kapalit ng kala­yaan nito.

 

ABU SAYYAF

BRGY

INDANAN

JOSELITO GONZALES

LINGAYAN

PHILIPPINE MARINES

REMEGIO LINGAYAN

SITIO BAUNOH

SULU PROVINCIAL HOSPITAL

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with