^

Police Metro

1.5-M INC, dumalo sa Sentenaryo

Danilo Garcia, Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mahigit sa 1.5 milyong katao ang dumalo sa Ciudad de Victoria sa Bocaue, Bulacan sa selebrasyon ng Sentenaryo ng Iglesia Ni Cristo (INC) kahapon.

Sa crowd estimate ng Task Force Sentenaryo sa pamumuno ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, Sabado pa lamang ng gabi nang magdatingan na ang mga miyembro ng INC para sa okasyon na lumikha na agad ng matinding pagbubuhol ng trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX) at sa Mac-Arthur Highway.

Higit sa 1,300 bus at nasa 6,000 light vehicles ang nakapasok sa loob ng Ciuad de Victoria sa kabila ng itinalagang parking area o “staging point” ng TF Sentenaryo.

Karamihan sa mga maagang nagtungo sa Ciudad de Victoria ay natulog na lamang sa kani-kanilang mga sasakyan o di kaya naman ay nagtayo ng mga tent upang mauna silang makapasok sa loob ng Philippine Arena.

Dakong alas-2:00 ng madaling araw nang mag-umpisang magpapasok habang nagkasya na lamang ang mga nasa labas sa inilagay na “viewing screen” para sa pagsamba.

Dahil sa dami ng mga dumalong miyembro ng INC lulan ng mga inar­kilang buses at jeepneys, halos naparalisa ang daloy ng trapiko sa NLEX at maging sa Mac-Arthur Highway na halos walang galawan ang mga sasak­yan, marami ang nag-park na lamang ng kanilang behikulo sa gilid ng NLEX northbound at naglakad na lamang patungo sa Ciudad de Victoria.

Dakong alas-3:00 hanggang alas-5:00 naman ng umaga nang mag-umpisa ang MMDA na mag-tow ng mga pribadong behikulo na ipinarada sa NLEX.  Ayon kay Tolentino, marami silang itinalagang mga parking area sa mga bayan malapit sa Bocaue ngunit halos hindi nagamit ito dahil sa karamihan ay nais na sa mismong Ciudad de Victoria magparada.

Muli namang bumuhos ang matinding pagbubuhol ng trapiko dakong alas-12:00 ng tanghali kahapon nang mag-umpisa nang magsiuwian ang mga du­malo sa Sentenaryo matapos ang pagsamba.  Ibinuhos naman ng MMDA ang kanilang puwersa kasama ang mga traffic enfor­cers buhat sa iba’t ibang bayan para sa maayos na pamamahala ng daloy ng trapiko.

BOCAUE

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DAKONG

IGLESIA NI CRISTO

MAC-ARTHUR HIGHWAY

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NORTH LUZON EXPRESSWAY

SENTENARYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with