^

Police Metro

SONA ni P-Noy inaasahan na sagot sa kahirapan - Solon

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpahayag si House Independent Minority Bloc leader at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez ng pag-asa na ang pang-limang State-of-the-Nation Address (SONA) ngayong araw na ito ng Pangulong Noynoy Aquino ay magiging kasagutan sa mga paghihirap ng sambayanan at sa mga lumalalang suliranin ng bayan.

Binigyang-diin ni Romualdez na ang nais na marinig ng sambayanan ay kung paano lulutasin ang mga problemang kinakaharap ng bansa  at hindi iyung kung sino sa palagay nila ang dapat sisihin.

“ Sana naman ay tapos na ang sisihan, na wala namang malulutas na anuman at sa halip ay nagpapalala lamang ng mga nangyayari. Dalangin ko na ituon na sana ni Pangulong Aquino ang nalalabing dalawang taon ng kaniyang administrasyon sa pagsasaayos ng bansa,” ayon kay Romualdez.

Pinuna ni Romualdez na sa halip na mabawasan o malutas ay lumalala pa ang krisis sa kuryente at luma­ganap pa.

“At wala ring malinaw na solusyon para dito hanggang ngayon at wala ring pinapanagot pa o napaparusahan, o iniimbestigahan man lang.”

“Pataas naman ng pataas at halos hindi na makaya ng sambayanan ang presyo ng mga pangunahing bilihin, pero wala kahit isang hoarder o profiteer na napaparusahan at wala ring malinaw na programa ang gobyerno para mapababa ang mga presyo,” ayon kay Romualdez.

Walong buwan na mula ng manalasa ang bagyong ‘Yolanda’ ngunit libu-libo pa rin ang namumuhay ng miserable hanggang ngayon sa mga tolda at evacuation centers, puna pa ni Romualdez.

“Parami nang parami ang bilang ng mga walang trabaho o mga hindi kumikita ng sapat sa kanilang hanapbuhay. Lumalaganap na rin ang kahirapan ngunit ni walang malinaw na planong mailabas ang pamahalaan laban sa mga ito,” ayon kay Romualdez.

“Lantaran at walang hinto ang smuggling ng bigas at iba pang produkto sa mga pier at mismong ang Philippine National Police (PNP) na ang umamin na ang bilang ng mga krimen ay tumaaas ng humigit-kumulang sa 44,000 kumpara noong isang taon,” ayon kay  Romualdez.

“Kaya’t umaasa ako at ang aking mga kasamahan sa Bloc na madidinig namin ang katotohanan at mga solusyon sa katotohanan mula kay Pangulong Aquino sa kanyang SONA. Upang magabayan kami sa pagba­langkas ng mga epektibong panukalang batas na agad na makakalutas sa mga suliranin ng bansa,” dagdag pa n Romualdez.

vuukle comment

FERDINAND MARTIN ROMUALDEZ

HOUSE INDEPENDENT MINORITY BLOC

LEYTE REP

PANGULONG AQUINO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

ROMUALDEZ

STATE-OF-THE-NATION ADDRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with