^

Police Metro

Holdaper tiklop sa sekyu

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na nakapalag pa ang isang holdaper nang ares­tuhin ito ng isang sekyu na sumaklolo sa isang dalaga na hinoholdap nito kahapon ng umaga sa Pasay City.

Ang suspek na nakakulong na ngayon sa Pasay City Police detention cell ay kinilalang si Robert Tayamora, 29, may-asawa, ng #1916 Barangay Cupang, Muntinlupa City.

Ayon sa salaysay ng biktima na si Julianne Bautista, 20, dalaga, ng Villamor, Pasay City na naglalakad siya sa NAIA Terminal 3, Andrew Avenue ng naturang lugar nang holdapin ng suspek.

Sumigaw ito ng saklolo na narinig naman ng nakatalagang sekyu na si Banzar Marcos na kasalukuyang nag-ro-roving sa lugar.

Mabilis na sumaklolo si Marcos at inaresto ang suspek at dito ay narekober ang hinoldap sa biktima na  Black Berry cellphone na nagkakahalaga ng P6,000.00, isang Cherry Mobile at isang cutter, na posibleng ginamit nito sa panghoholdap sa biktima.

 

vuukle comment

ANDREW AVENUE

BANZAR MARCOS

BARANGAY CUPANG

BLACK BERRY

CHERRY MOBILE

JULIANNE BAUTISTA

MUNTINLUPA CITY

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

ROBERT TAYAMORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with