^

Police Metro

P1-M RTW natangay ng 3 kawatan

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umaabot sa P1 mil­yon halaga ng mga sako-sakong ready to wear (RTW) ang natangay ng tatlong kawatan matapos na pasukin ang isang bodega kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Sa salaysay ng sekyu na si  Arnel Cue Galela, nasa hustong gulang, hindi na binanggit kung saan nakatira na dakong alas-11:37 ng gabi habang siya ay nagbabantay sa warehouse ng mga RTW sa #119 Cuneta St., at pag-aari ng isang  Weihao Wang nang biglang may kumatok sa main gate.

Nang buksan nito ang  maliit na pintuan  ng maingate ay may biglang bumatok dito hanggang sa tinutukan ng baril ng tatlong suspek.

Iginapos ng tatlong suspek ang mga kamay at paa ng biktima at nilag­yan ng packaging tape ang bibig nito at tinakpan ang mga mata at dinala sa madilim  na bahagi  ng warehouse.

Kinuha ng mga suspek ang sako-sakong RTW at isinakay sa dala nilang  sasakyan at mabilis na tumakas  tangay din  ang service fire arm ng sekyu.

vuukle comment

ARNEL CUE GALELA

CUNETA ST.

IGINAPOS

KINUHA

NANG

PASAY CITY

UMAABOT

WEIHAO WANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with