^

Police Metro

Dalaga na dinukot at ni-rape, nasagip

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos ang dalawang linggong kalbaryo ng isang 18-anyos na dalaga na ginawang sex slave ng lalaking dumukot sa kanya ay nasagip ito ng mga otoridad sa isang operasyon kamakalawa sa Zamboanga City.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang biktima na itinago sa pangalang Marissa ay dinukot ng suspek na kinilalang si Wilson Garcia noong nakalipas na Hulyo 7, dakong alas-7:00 ng umaga sa Oroquita City Misamis Occidental.

Ang dalaga ay dinala ng suspek sa isang bahay sa Calle Cawayan Dumagsa, Zone 8, Ayala, Zambonga City at dito ay  paulit-ulit na ginahasa sa loob ng 2 linggo.

Nagawa namang makapagtext ang biktima sa kanyang mga magulang at ipinabatid ang kanyang sinapit.

Agad namang dumulog sa himpilan ng pulisya ang mga magulang ng dalaga na humingi ng tulong upang mailigtas ang kanilang anak.

Bandang alas-3:42 ng hapon nang magsagawa ng rescue operation ang mga Zamboanga City Police Station 9 at matagumpay na nasagip ang biktima sa nasabing lugar, pero hindi inabutan ang suspek na mabilis na nakatakas.

vuukle comment

AYALA

BANDANG

CALLE CAWAYAN DUMAGSA

HULYO

LUMALABAS

OROQUITA CITY MISAMIS OCCIDENTAL

WILSON GARCIA

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA CITY POLICE STATION

ZAMBONGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with