^

Police Metro

Manyakis inatado ng taga

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natagpuang patay ang isang 45-anyos na magsasaka nang ito ay pagta­tagain ng isang 63-anyos na lalaki bilang ganti sa ginawa ng una na pagmolestiya sa kanyang misis naganap kamakalawa sa Brgy. Madasigon, Molave,  Zamboanga del Sur.

Ang biktima ay kinilalang si Marinos Sarit, ng Brgy. San Isidro, Mahayag ng lalawigan na ang bangkay ay natagpuang tadtad ng mga saksak at taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa nasabing lugar.

Ang suspek na agad nadakip ay kinilalang si Armando Ignacio na nahaharap sa kasong homicide.

Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang krimen dakong alas-4:50 ng hapon ay pinasok ng biktima ang kuwarto ng misis ng suspek na si Mary Daves Engracia, 42, na nagkataong natutulog.

Dito ay pinaghihipo ng biktima na noon ay lasing ang maselang bahagi ng katawan at sinibasib ng halik ang nasabing ginang.

Pumalag ang ginang at nagkataon na pauwi na ng bahay ang suspek at naaktuhan ang ginagawa sa misis.

Kinuha ng suspek ang kanyang itak at hinabol ng taga ang biktima at nang maabutan ay pinagtataga ito nang sunud-sunod hanggang sa mapatay.

vuukle comment

ARMANDO IGNACIO

BRGY

DITO

KINUHA

MADASIGON

MAHAYAG

MARINOS SARIT

MARY DAVES ENGRACIA

SAN ISIDRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with