3rd impeachment complaint vs P-Noy inihain
MANILA, Philippines - Ihahain ngayong araw ng militanteng grupo sa Kamara ang ikatlong impeachment complaint laban kay Pangulong Noynoy Aquino na may kinalaman sa usapin tungkol sa Ehanced Defense Cooperative Agreement (EDCA).
Nabatid na ang complainant ng ikatlong impeachment complaint ay kinabibilangan nina dating Bayan Muna Reps.Teddy Casiño, Satur Ocampo at Carol Araullo.
Tiniyak naman nina Act Partylist Rep. Antonio Tinio at Gabriela Rep. Emmie de Jesus na i-endorso nila ang ikatlong impeachment complaint.
Dalawa ang grounds ng complaint kabilang dito ang betrayal of public trust dahil sa pagpasok ng gobyerno sa EDCA na umanoy disadvantageous sa pambansang interes na sumasagasa sa soberenya ng bansa.
Ang ikalawa ay ang culpable violation of the constitution dahil ang rotational presence ng mga sundalong Kano sa bansa na bibigyang daan ng EDCA ay labag umano sa probisyon na nagbabawal sa permanenteng presensiya ng mga dayuhang pwersa gayundin ang kanilang pasilidad.
- Latest