^

Police Metro

INC Arena pinuri ni Romualdez

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinuri kahapon ng House Independent Minority Bloc sa pamumuno ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez angPhilippine Arena ngIIglesia Ni Cristo (INC) bilang walang alinla­ngang patunay ng pagkakaisa at determinasyon ng mga Piliipino.

 “Ipinakita ng mga kapatid natin sa INC na kung magkakaisa lamang tayo, walang imposible sa ating mga Pilipino,” ayon kay Romualdez.

 Pinakamalaki ang Philippine Arena sa mga kahalintulad nito sa buong mundo.

 Ginastusan ng $175-million oP7.65 billion at itinayo sa Bocaue, Bulacan, ang Arena ay kayang maglaman ng51,000, katao at may bubong na 35,948-square meters omahigit tatlo’t kalahating ektarya,

 Sa kanilang pagbati sa INC, nagpahayag ng kumpiyansa ang Bloc at si Romualdez na lalong mapapalakas ngArena ang katayuan ng Pilipinas sa pandaigdigang merkado para sa sporting events at performing arts.

“Umaapila din kami sa pamunuan ng INC na payagan ang gobyerno na magamit ang kanilang mga pasilidad para sa pagsasanay ng ating mga pambansang atleta bilang paghahanda sa mga international na competition na kanilang sasalihan. Kahit ang atleta ay hindi pa miyembro ng kanilang kapatiran,” ayon kay Romualdez.

 Idinagdag pa ni Romualdez na angArena ay dapat magsilbing ins­pirasyon at hamon sa gobyerno at sa mga opis­yales na nangangasiwa sa mga paglutas sa mga problema sa sports at performing arts.

“Kung nakaya ng INC na gawin ang Philip­pine Arena, walang dahilan para hindi rin ito magawa ng pamahalaan. Sobra-sobra ang pondo, tauhan atkagamitan ng gobyerno kung tutuusin. Kung nagawa ng gobyerno na ilaan ang iba’t ibang pondo mula sa iba’t ibang kaban o tanggapan para sa Disbursement Acce­leration Program (DAP), siguradong mayroon ding legal na pamamaraan para mapaglaanan din ng karagdagang pondo ang sports at performing arts,” ayon kay Romualdez.

vuukle comment

BOCAUE

DISBURSEMENT ACCE

FERDINAND MARTIN ROMUALDEZ

HOUSE INDEPENDENT MINORITY BLOC

LEYTE REP

NI CRISTO

PHILIPPINE ARENA

ROMUALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with