Bangus at tilapya na nakuha sa ilog-Pasig delikado kainin
MANILA, Philippines - Nagbabala ang Makati City Health Department (MHD) sa publiko na huwag bilhin ang mga isdang bangus at tilapya na nahuhuli sa ilog Pasig dahil delikado ito sa kalusugan.
Ang hakbang ng MHD ay matapos silang makatanggap ng ulat na umapaw ang mga nasabing isda sa mga palaisdaan sa Rizal at Laguna dulot nang pananalasa ng bagyong Glenda at napunta ito sa ilog Pasig.
Nabatid na ang mga isdang nahuhuli sa ilog Pasig ay mayroong toxic chemicals partikular ang methyl mercury na delikado sa nervous system at maraming sakit ang makukuka dito tulad ng physical retardation at cancer.
- Latest