21 lugar nagbabadyang tamaan ng storm surge
MANILA, Philippines - Nagbabadyang tamaan ng storm surge ang nasa 21 lugar sa bansa na hahagupitin ng bagyong Glenda.
Ito ang inihayag ni Assistant Secretary Mon Liboro ng Department of Science and Technology (DOST) sa ginanap na interagency briefing sa tanggapan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon base sa isinasagawa nilang monitoring sa pagpasok ni Glenda sa bansa.
Kabilang dito ay ang Ragay, Camarines Sur, Catbalogan City, Samar, Del Gallego Camarines Sur, Gandara,Samar: Guinayangan, Quezon, Sta Margarita, Samar; Atimonan, Quezon; Buenavista, Quezon; Calauag, Quezon;Calbiga, Samar; Gumaca,Quezon; Magallanes, Sorsogon; Motiong, Samar; Narciso, Quezon; Paranas, Samar; Plaridel, Quezon; Quezon sa lalawigan rin ng Quezon; Villarreal, Samar at Zumaraga, Samar.
- Latest