^

Police Metro

CA ibinasura ang MR ni Napoles sa kasong illegal detention

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ibinasura ng Court of Appeals ang isinampang motion for reconsideration ng tinaguriang “pork barrel” queen na si  Janet Lim Napoles sa kasong illegal detention na isinampa sa  kanya  ng  whistleblower na si  Benhur Luy.

Sa dalawang pahinang resolution ni Associate Justice Ramon Garcia, walang nakitang merito sa apela ni Napoles na nakapiit sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna.

Walang bagong argumento na iniharap si Napoles para baligtarin ang naunang desisyon at  walang pag-abuso sa pagpapalabas ni Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 150 Judge Elmo Alameda ng warrant of arrest laban kay Napoles.

Nag-ugat ang kaso laban kay Napoles sa umano’y tatlong buwang pagditine sa dati niyang tauhan at ngayo’y pork barrel scam whistleblower na si Luy mula Disyembre 2012 hanggang Marso 2013.

Ang pagkulong kay Luy ay upang maiwasan itong ibunyag ang kanyang  nalalaman sa bilyong kinikita ng  mga mambabatas sa  Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa pamamagitan ng  mga NGOs at ghost projects ni Napoles.

 

ASSOCIATE JUSTICE RAMON GARCIA

BENHUR LUY

COURT OF APPEALS

FORT STO

JANET LIM NAPOLES

JUDGE ELMO ALAMEDA

LUY

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

NAPOLES

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with