^

Police Metro

Total deployment ban sa South Sudan

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patuloy na naka-mo­nitor ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa kaganapan at sitwasyong pang-politikal at seguridad sa South Sudan kung saan ipinatutupad ang total deployment ban para sa mga manggagawang Pinoy sa nasabing bansa.

Ayon sa DFA, nananatili ang crisis alert level 3 sa South Sudan at pinapayuhan ang lahat ng Pinoy na huwag bumiyahe o tumungo sa nasabing bansa.

Ipinagbabawal din ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na tumungo o magtrabaho sa South Sudan habang nakataas ang nasabing alerto.

Ang crisis alert level 3 o voluntary phase ay minamantine sa nasabing bansa dahil na rin sa pagtaas ng tensyon doon.

Sa ilalim ng alert level 3, mahigpit na ipinagbabawal ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magtrabaho sa South Sudan ang mga OFWs.

Patuloy na nananawagan ang DFA sa mga Pinoy sa nasabing rehiyon na boluntaryong lumikas.

AYON

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

IPINAGBABAWAL

NASABING

PATULOY

PINOY

SOUTH SUDAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with