^

Police Metro

Holdaper tiklo sa online trading

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umubra sa ikalawang pagkakataon na muling makapangholdap ang isang suspek na ang modus operandi ay kunwa­ring nagbebenta ng mga gadget sa internet at kapag may naka-deal ay magtatagpo sila ng buyer na kung saan ay doon na ito hoholdapin naganap kamakalawa sa Quezon City.

Ang suspek ay kinila­lang si Robert Joaquin, 32, binata, residente ng Block 6, Lot 8, Metrovilla Subdivision, Valenzuela City na naaresto matapos hol­dapin ang ka-deal na si Kirk Andrew Maglaya, 32, trader, may-asawa ng Tandang Sora, Quezon City.

Batay sa ulat, bago naaresto ang suspek dakong alas-7:15 ng gabi sa harap ng simbahan sa kahabaan ng  A. Bonifacio Avenue, Brgy. Pag-ibig ng lungsod ay tinext ng una ang biktima na magkikita sa nasabing lugar para doon bayaran ang ipinost na Iphone 5 sa internet.

Nang magkita na ang dalawa sa halip na Iphone 5 ang inilabas ng suspek ay  naglabas ito ng patalim at tinutukan ang biktima sabay deklara ng holdap.

Tinangay ng suspek ang dalang cellphone ng biktima at saka nagtatakbo patungong northbound lane ng A. Bonifacio.

Hindi nasiraan ng  loob ang biktima at humingi ng saklolo na nakakuha ng atensyon sa ilang taumbayan at hinabol ang suspek at nang maabutan ay ginulpi ito.

Lumilitaw na ikalawang pagkakataon nang nabiktima ng suspek ang biktima sa kahalintulad na modus operandi naganap noong May 7, 2014 sa may kahabaan ng J. Manuel St., Grace Park Caloocan City.

Kasong robbery-holdup at paglabag sa city ordinance no. 5121 o concealing deadly weapon ang isinampa ng otoridad sa city prosecutor’s office sa suspek.

vuukle comment

BONIFACIO AVENUE

GRACE PARK CALOOCAN CITY

IPHONE

KIRK ANDREW MAGLAYA

MANUEL ST.

METROVILLA SUBDIVISION

QUEZON CITY

ROBERT JOAQUIN

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with