^

Police Metro

Granada sumabog: 3 patay, 3 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang tatlong miyembro ng pamilya  habang tatlo ang malubhang nasugatan matapos aksidenteng sumabog ang rifle grenade kamakalawa sa Brgy. Lumasal, Maasim, Sarangani.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Rolando Tamuay, 32; kapatid nitong si Jenny Dula, 36;  at anak nitong si Jinky.

Nilalapatan ng lunas sa pagamutan si Laila, misis ni Rolando na 3 buwang buntis, pinsan nitong si Dinah Abey, 32 at  Maming Cabelol, 55.

Sa ulat ng Maasim Police, dakong alas-7:00 ng umaga ay kasaluku­yang nag-aalmusal ang pamilya ng maganap ang insidente sa Brgy. Lumasal ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon kasa­lukuyang nag-aalmusal ang miyembro ng pamilya  nang bigla na lamang sumambulat ang 40 MM rifle grenade na sumapul sa mga biktima.

Nabatid na ang nasabing 40MM rifle grenade  ay napag-alamang napulot ni Rolando sa kaniyang bukirin na iniuwi nito sa kaniyang tahanan upang ibenta umano sa junkshop.

Aksidente itong nalaglag sa bulsa ni Rolando kaya’t sumabog na ikinapahamak niya at maging ng miyembro ng kanilang mga pamilya.

 

vuukle comment

AKSIDENTE

BRGY

DINAH ABEY

JENNY DULA

LUMASAL

MAASIM POLICE

MAMING CABELOL

ROLANDO TAMUAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with