^

Police Metro

2 lalaki sinalvage sa Malabon

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa isang barangay sa Malabon City ang dalawang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng “summary execution” kahapon ng madaling-araw.

Batay sa ulat, ala-1:00 ng madaling araw nang matagpuan ang bangkay ng biktimang sa pangalang Augusto Flores, 34, ng Sto. Niño, Brgy. Concepcion na nagtamo ng tama ng bala sa ulo at sa hindi kalayuan ay natagpuan sa Lambingan Bridge ang isa pang bangkay na kinilalang si alyas “Sioning” na nagtamo rin ng tama ng bala sa ulo.

Tikom ang bibig ng mga residente sa pangyayari at hindi pa tiyak ang motibo ngunit may teorya na iligal na droga ang posibleng dahilan ng pamamaslang makaraang makuha sa lugar ang isang pakete na naglalaman ng shabu malapit sa katawan ni Flores habang isang basyo ng bala ng kalibre .45 ang natagpuan malapit sa biktimang si Sioning.

vuukle comment

AUGUSTO FLORES

BATAY

BRGY

CONCEPCION

LAMBINGAN BRIDGE

MALABON CITY

NATAGPUAN

STO

TIKOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with