Pinoy engineer dedo sa Saudi
MANILA, Philippines - Natagpuang wala ng buhay sa loob ng pinapasukang kumpanya sa Saudi Arabia ang isang Pinoy engineer na ang bangkay nito ay naiuwi na sa Pilipinas noong Martes.
Kaugnay nito ay iniutos ni Vice President Jejomar Binay sa Embahada ng Pilipinas sa Riyadh na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ng biktimang si Albert Bautista, makaraang humingi ng tulong sa kanya ang pamilya nito.
Ayon kay Binay, tumatayo ring Presidential Adviser on OFW Concerns, nais ng pamilya ng biktima na isang mechanical engineer ng AL Rashid Trading & Contracting Co. sa Riyadh, na malaman kung may “foul play” sa pagkamatay ng huli.
Inatasan ni Binay ang Emabahda na agad na magbigay ng impormasyon sa pamilya ni Bautista sa resulta ng kanilang gagawing imbestigasyon.
- Latest




















