Presyo ng bigas ibinaba ng P3 piso
MANILA, Philippines - Kabuuang tatlong piso kada kilo ng bigas ang ibinabang presyo ng isang grupong rice retailers na kanilang ibinibenta sa area ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (KAMANAVA).
Sa pahayag ng Grecon Grains Confederation-Camanava chapter, ito ay bilang pagtugon sa panawagan ng National Food Authority (NFA) na manguna ang mga rice retailers sa pagpapanumbalik sa normal na presyo sa mga commercial rice.
Ang P3 na pagbababa ay hiwalay pa sa naunang P1 itinapyas ng mga rice retailers noong nakaraang linggo.
Inaasahan na ang dating bigas na nasa P40-P45 kada kilo ay mabibili na lamang sa P37 kada kilo ngayon sa CAMANAVA.
Nangako rin ang Grecon-Camanava na hindi mapupunta sa mga hoarder ang NFA rice allocations para sa mga retailer at ididiretso sa mga pamilihan para mapakinabangan ng mga mahihirap na mamimili.
- Latest

















