Padyak driver, itinumba
MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang isang 34-anyos na pedicab driver matapos na malapitang barilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Ang biktima ay nakilalang si Bonnie Moreno, miyembro ng Sputnik gang, na nakatira sa #2294 Malaya St., Balut, Tondo.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Manila Police District-Homicide Section hinggil sa pagkilanlan ng mga suspek na armado ng 9 mm at 45 pistola.
Sa inisyal na ulat ni SPO1 Charles John Duran, dakong alas-3:00 ng madaling araw, nang maganap ang nasabing pamamaril sa harapan ng isang bahay sa #53 Guidote St., Balut, Tondo.
Sinasabing habang may kausap ang biktima sa kanyang cell phone at sakay siya ng kanyang pedicab nang siya ay lapitan ng dalawang suspek at pagbabarilin. Limang basyo ng bala ng 9 mm at dalawang basyo naman ng kalibre 45 ang nakuha sa crime scene.
- Latest















