^

Police Metro

Impeachment vs. PNoy, isinumite na!

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naisampa na ni Atty. Oliver Lozano ang kopya ng impeachment complaint laban kay Pangulong Noynoy Aquino.

Ngunit sa halip na ihain ito ni Lozano sa tanggapan ng Secretary General ng Kamara ay dinala ito sa Office of the Ombudsman at sa tanggapan ni Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon isinumite.
 Pinaliwanag ni Lozano na hindi niya sinunod ang normal na proseso ng filing ng impeachment complaint na idinadaan muna sa tanggapan ng Secretary General dahil karaniwang ibinabalik lamang sa kanya ang reklamo kaya diniretso na kay Ridon dahil na rin pabor ito na ma-impeach ang Pangulong Aquino kaya umaasang iindorso nito ang reklamo.

Ilan sa mga ground ng impeachment complaint ni Lozano ay betrayal of public trust dahil sa unconstitutional na DAP, kasama pa ang kabiguan umano ng gobyerno na epektibong aksyunan ang problema  ng mga naaapektuhan ng Zamboanga siege at bagyong Yolanda.

 Kinumpirma naman ni Ridon na natanggap ng kanyang tanggapan ang complaint ni Lozano at pag aaralan niya ito at kung may makikita siyang bigat sa laman nito ay pwedeng i-incorporate sa ihahain nilang sariling impeachement complaint at libre naman ng abogado na maging bahagi nitong bilang isa sa mga complainants sa oras na pormal nang ihain sa kamara.

vuukle comment

ILAN

KABATAAN PARTYLIST REP

LOZANO

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

OLIVER LOZANO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

RIDON

SECRETARY GENERAL

TERRY RIDON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with