^

Police Metro

10 fratmen sa pagkamatay ni Servando pinangalanan

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naglabas na ng 10 pangalan ang Makati City Police na mga miyembro ng  Tau Gamma Phil Fraternity na umano’y responsable sa  initiation rites sa apat na neophytes kabilang dito ang nasawing estudyante ng De La Salle College of Saint Benilde na si Guillermo Cesar Servando.

Kinilala ang mga ito na sina Cody Morales, head-lord ng Tau Gamma Phil Fraternity; Pope Bautista, secretary; Trex Garcia; Hans Tamarin; alias Navoa; alias Rey Jay; alias Mike; alias Kurt; alias Louie at alias Emeng, ang master initiator ng hazing.

Nakilala ang mga ito batay sa naging pahayag ng sumukong si Jemar Pajarito, 26, miyembro rin ng naturang fraternity at caretaker ng bahay kung saan ginawa ang initiation rites sa apat na neophytes kabilang ang nasawing si Servando at  ang sugatang si John Paul Raval, na kasalukuyang naka-confine ngayon sa Makati Medical Center at anak ng isang General Raval.

Ang nabanggit na mga pangalan  ay kinukonsidera ng pulisya na mga  suspek at inaalam na rin nila  ang tunay na pangalan maging ang kanilang mga tirahan.

Nagbigay na rin ng kanyang pahayag sa pamunuan ng  Makati City Police si John Paul hinggil sa insidente.

Sa salaysay ni John Paul, isa sa nakuhanan ng CCTV camera habang   tumawag ng emergency sa 117 at Philippine Red Cross upang humingi ng tulong hinggil sa sinapit ni Servando habang sila ay nasa   Archers Place Condominium sa Maynila.

Binanggit din ni John Paul sa mga pulis na noong Hunyo 24 ng taong kasalukuyan ay ni-recruit sila ng dalawang miyembro ng Tau Gamma Phil Fraternity na sumali sa grupo at tinatakot umano sila nito kapag hindi sila sumali dito at dahil sa takot ay sumali na lamang sila.

 

ARCHERS PLACE CONDOMINIUM

CODY MORALES

DE LA SALLE COLLEGE OF SAINT BENILDE

GENERAL RAVAL

GUILLERMO CESAR SERVANDO

HANS TAMARIN

JOHN PAUL

MAKATI CITY POLICE

TAU GAMMA PHIL FRATERNITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with