^

Police Metro

Rep.Gloria humirit muli na makapagpiyansa

Angie dela Cruz, Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa muling pagkakataon ay humirit si Pampanga Rep. Gloria Macapagal  Arroyo sa Sandiganbayan na makapagpiyansa para sa pansa­mantalang makalaya mula sa pagka-hospital arrest sa Veterans Hospital sa QC.

Ang hirit na piyansa ni Gng. Arroyo ay para sa kanyang kasong plunder na may kinalaman sa maanomalyang paggamit nito sa P336 mil­yong  pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong siya pa ang Pangulo ng bansa.

Ayon kay Atty. Modesto Ticman Jr., abogado ni Mrs Arroyo kaya sila humirit na makapagpiyansa ay dahil pinayagan ang mga kapwa akusado nito sa naturang kaso tulad nina  Jose Taruc V at Reynaldo Villar.

Binigyang diin ni Ticman na ang medical condition ni Gng. Arroyo ay nagpapakita na dapat itong payagang makapagpiyansa.

GLORIA MACAPAGAL

GNG

JOSE TARUC V

MODESTO TICMAN JR.

MRS ARROYO

PAMPANGA REP

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

REYNALDO VILLAR

VETERANS HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with