^

Police Metro

Paslit nalitson sa sunog

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nalitson sa sunog ang isang 6-anyos na batang babae matapos na tupukin ang may 30 kabahayan sa Mandaluyong City kahapon ng hapon.

Halos hindi na maki­lala ang biktimang si
Reinalyn Orocay, residente ng Isla de Cocomo, Barangay Mauway, Mandaluyong City nang matagpuan ng mga otoridad.
Sa ulat ng Mandalu­yong Bureau of Fire Protection (BFP), dakong ala-1:23 ng hapon nang maganap ang sunog sa naturang lugar.
Iniulat na nawawala si Orocay matapos umanong maiwan sa loob ng
nasusunog na 3-palapag na paupahang bahay.

Hinala ng mga otoridad na na-suffocate ang bata habang natutulog hanggang sa tuluyang  masunog ang katawan nito.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pinagmulan ng sunog na umabot ng
ikaapat na alarma bago naapula pasado alas-3:15 ng hapon.

 


 

vuukle comment

BARANGAY MAUWAY

BUREAU OF FIRE PROTECTION

COCOMO

HINALA

INAALAM

INIULAT

ISLA

MANDALUYONG CITY

REINALYN OROCAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with